Naglalakad naman, ngunit parang walang DIREKS’YON…ang hirap.
Sige, sulyap tayo ng kaunti…saglit lang.
What went wrong ‘daw’???
Nag flash back lahat.
Ang sabi nila kilala nila ako, pero sa bigat ng mga naging
paratang nila, parang NAGLOLOKOHAN yata kaming lima. Pinilit kong ‘wag patulan,
NANAHIMIK ako ng MATAGAL…kaso ang SAKIT. Bawat salitang nabitawan, katumbas nun
ay KAMATAYAN. Nabaon sa isip ko at halos ikasira na’to ng ulo ko. Sa paglipas
ng mga araw, buwan, nagulat din ako sa mga pagbabago.
Natuto akong LUMAYO,
TUMAYONG MAG-ISA at MANINDIGAN sa mga DESISYON ko.
Paminsan-minsan nasasabi kong magaling na’ko pero AYAW ko
talaga silang makita. Isipin ko pa lang, naiiyak ako bigla. Minsan binibisita
ko ang fb profile nina Kat, Ianne at Sarah (oo..sila lang ang NATIRA), tapos
non natutuwa ako para sa kanila pero HANGGANG DUN LANG. Konti nalang ang
salitang CARE.
DAHIL SUMUMPA AKO NA WALA NG MAKAKASAKIT SA’KIN NG SOBRA-SOBRA.
MAILAP. MAPANURI. MAPAG-ISA.
It’s been 7 months since nawala ang makulay na CROWD na ‘yun
sa opisina. Namatay ako sa haba ng proseso. Ngayon, makakita lang ako ng
maraming taong bago sa panlasa ko…nanginginig ako bigla sa takot. Hindi
makuhang tumawa sa araw-araw kong pagttrabaho sa opisina…puro overtime na lang
ang nasa isip. Madalas na TULALA, saan ba talaga ako patungo…
NAGBAGO lahat ng biglaan. Ibang-iba na mga eksena sa
bahay...
Ang isa…ayun, unti-unting
namamatay habang ang isa e nakahanap na ng bagong pag-ibig sa piling ng
isang mapanlinlang na kaibigan. MGA TAKSIL. Kasalanan na nga sa mata ng mga
tao, kasalanan pa sa mata ng DIYOS. Change topic na, naiiyak ulit ako. HINDI ko
pa rin kilala ang pakiramdam na ganito.
Isa akong presidente (ang bangong pakinggan no) DATI ng
isang ministeryo. Maraming pumuna, maraming sumang-ayon ngunit marami din
namang tumaliwas sa mga panahong nanungkulan ako. Marami epal, ayaw din
magpatalo, gusto nila sila na lang magaling. Ang daming boses, halos nalito ako
kung sino pakikinggan ko…akala ko ba si Lord lang boss ko? Eh ang dami pala.
GUSTO NILA ang eksena, BINIGAY ko sa mga taong ayaw magpatalo ang
entablado…iniwan ko sila, nag-resign ako ng palihim…sumulat ako sa pastor,
ngunit walang reply. Ewan ko ba, gustong-gusto ko ang maglingkod sa Diyos pero
GINAPOS nila ako.
After 2 months, I tried to face them…but I trembled w/ anger
and fear…naalala ko bigla lahat ng mga ginawang paninira sa pagkatao ko na
nagspread like a wild fire. Ang tanong, SINO BA ANG TOTOO?
Hindi na MUNA ako naniniwala sa salitang yan, marami yang
pina-iyak, sinaktan at PINATAY ng tahasan.
WALA akong balita, inalis ko lahat ng ‘pwedeng maging
connection ko sa taong ‘yon. Dahil sa tuwing maaalala ko kung gaano kasakit ang
magmahal ng totoo, ang mabalewala ng basta-basta lang, ang pagtawanan ng
publiko dahil sa naging KATANGAHAN ko, ipinag-DARASAL ko (araw-araw) na HINDI
KO NA SANA MAKITA ANG TAONG ‘YON.
*Mga sugat na hindi pa naghilom, Diyos ko, hanggang kailan?
Alam kong mga pagsubok lang ‘to…PATULOY pa rin akong lumalaban kahit namamatay
ako, wala naman akong ibang masasandalan kundi KAYO lang. Sa sobrang sakit ng
mga nararamdaman ko ngayon, tanging sa pagsusulat ko na lang naibabahagi ang nasa
puso ko…sana madescribe ko eksakto kung gaano ‘to KATAGOS sa buong pagka-tao
ko. Langya, kung kelan naman tumatanda ako dun ako mas nagiging iyakin.HAYNAKU.