Sa maniwala ka’t sa hindi, MADALi lang akong masaktan, dahil sa napakadali lang akong saktan. Talagang nasasaktan ako agad, ang kulit ah. Papano? Madali lang…
Sigawan mo ‘ko, ‘wag mo ‘kong pansinin, utusan mo ako ng pagalit, biruin mo ako ng about sa SENSUALiDAD, agawin mo pagkain ko, ‘wag mo ‘kong pahiramin ng gamit mo, sadyain mong IWAN ako sa kahit anong lakad mo, PAGDUDAHAN mo PANANAMPALATAYA ko sa DiYOS, kuwestyunin mo talent ko, pag-usapan nyo ko ng palihim, sabihin mong patay na patay ako sa isang bading (past na ‘yun), iwan mo ko sa ere, kalimutan mo pangako mo, pagsamantalahan mo ko ng walang malay este pagsamantalahan mo kahinaan ko, ‘wag kang umo-o pag tinanong kita, ‘WAG MO ‘KONG BATiiN SA KAARAWAN ko at higit sa lahat, sabihin mong HiNDi MO ‘KO NAiiNTiNDiHAN.
Remember ko tuloy officemate ko dati (si Bridgette). Nag story telling kasi kami nung minsan, k’wento ko pa “nung college ako, madalas kong pagmalupitan mga estudyanteng nakakabangga ko. May mga one liners pa ngang pumatok sa ilalim ng pangalan ko tulad nito:
“Anong student # mo? Bukas wala kana dito.”
“Hindi ko kailangan ng opinyon mo!!!”
“PAKSHET!”
“Sorry for the word no, MANGMANG KA?”
“1987 Philippine Constitution Article 3, Section 4 the Freedom of Speech”
…at eto pa pinakamalupit, nakipagbarahan ako sa mga Engineering students sa mismong building nila! HAHAHA. Na-misheard ko kasi yung sinabi nilang “prusisyon” sa “posisyon”. I was with my classmates that time, at nagulat na lang ako nang biglang mag-init tenga ko sag alit. So nagpaalam muna ako sa mga classmates at sinabing “may babalikan lang ako”. At kitang-kita ng mga mata nila ng sugurin ko ang mga tampalasang estudyante sa may corridor at sabay entradang “what’s your name? (flipped one’s I.D.) Did I hear it right? Position? Huh’! See you at the OSSA (Discipline Office).” WAHAHAHAHA! Shocks, alala ko pa mga mukha nila, kahit mas matangkad at mas matipuno katawan nila kumpara sa saken, litaw na litaw pa rin mga TAKOT sa mata nila..Ok, mabalik tayo kay Bridgette.
Pagkatapos kong isalaysay yun sa kanya… bigla na lang niyang sinabing (with conviction) “Alam ko na, ganun ka sa mga tao kasi TAKOT ka sa kanila”.
Napa-isip ako dun, matagal…
TAMA nga siya.
Kung isa ka sa mga taong kilalang kilala ako, alam mo pag kinikilig ako, nalulungkot ako, nagagalit ako, nasasaktan ako, nag-aalala ako, pag sobrang saya ko at pag NATATAKOT ako… isa lang ang indikasyon, GALiT. Isang emosyon na ‘pwede kong iparamdam sa lahat ng taong pinapaligiran ako at alam kong hinding hindi ako lalabas sa publiko na isang KATATAWANAN.