Huwebes, Mayo 17, 2012

Happy 2 YEARS to me!


Who would have thought that I’ll survive ng gan’to katagal.

DALAWANG TAON.

…ng naging inosente sa reyalidad ng mundo.

…ng nakisama sa mga mapagbalat-kayong tao.

Team Abby


…nakipagrambulan sa kalsada at nakipagtalakan na animo’y bata sa daan.







Ngunit sa kabilang banda’y nangarap pa rin ng panibagong simula sa piling ng bagong kasama.
Team Reych


…nakasalamuha ang mga ‘weirdo’ ngunit masayang grupo.

…humalakhak ng sobrang WAGAS.

…gumala sa loob at labas ng siyudad.

Laguna






 


Dolce Club

Pagudpud, Ilocos Norte



Star City


Pampanga 2011
  


…natutong magmahal ng tunay.








the MUG & the JACKET (accident)





…naranasang umasa sa mga ‘signs’, lumuha at nasaktan ng dahil sa taong ‘di naman marunong magpahalaga.

…naranasan ding maiwan, nanibugho dahil sa maraming nawala, namatay ang puso at naging isang ganap na ESTRANGHERA.


Lumipas ang mga oras, araw, buwan at ngayon ay bagong taon na…matagal-tagal na pala.
Pilit pa ring sumisilip ang liwanag sa gitna ng dilim.

Mas lumawak ang pananaw sa buhay, humaba ang pasensiya, naging malumanay, mapagnilay-nilay at mas nagkaroon ng MALALIM na ugnayan sa KAN’YA.


NAGBAGO NA NGA ANG LAHAT.

Martes, Mayo 15, 2012

CHANCES ARE...

pa-out na 'ko ng ABS...lapit na, 5 min. na lang.

**HAHAHA!Ewaan ko ba, pero instinct yata 'tp, ramdam kong dadaan sya dito..at for the first time KUMAWAY ako sa kanya..weird, diba suplada ako >.<

Sayang, naka-earphone ako..yan tuloy 'di ko narinig sinabi nya..

Well, sige na nga...KINILIG ako, KONTI lang! =))

**Napapa-isip tuloy ako, kung bibigyan ko na ng chance ang panahon..matagal tagal na rin.

TINGNAN natin..

Martes, Mayo 1, 2012

Huwad na Pag-asa


Naglalakad naman, ngunit parang walang DIREKS’YON…ang hirap.

Sige, sulyap tayo ng kaunti…saglit lang.

  • KAIBIGAN
What went wrong ‘daw’???

Nag flash back lahat.

Ang sabi nila kilala nila ako, pero sa bigat ng mga naging paratang nila, parang NAGLOLOKOHAN yata kaming lima. Pinilit kong ‘wag patulan, NANAHIMIK ako ng MATAGAL…kaso ang SAKIT. Bawat salitang nabitawan, katumbas nun ay KAMATAYAN. Nabaon sa isip ko at halos ikasira na’to ng ulo ko. Sa paglipas ng mga araw, buwan, nagulat din ako sa mga pagbabago. 

Natuto akong LUMAYO, TUMAYONG MAG-ISA at MANINDIGAN sa mga DESISYON ko.
Paminsan-minsan nasasabi kong magaling na’ko pero AYAW ko talaga silang makita. Isipin ko pa lang, naiiyak ako bigla. Minsan binibisita ko ang fb profile nina Kat, Ianne at Sarah (oo..sila lang ang NATIRA), tapos non natutuwa ako para sa kanila pero HANGGANG DUN LANG. Konti nalang ang salitang CARE.

DAHIL SUMUMPA AKO NA WALA NG MAKAKASAKIT SA’KIN NG SOBRA-SOBRA.

  • TRABAHO
MAILAP. MAPANURI. MAPAG-ISA.

It’s been 7 months since nawala ang makulay na CROWD na ‘yun sa opisina. Namatay ako sa haba ng proseso. Ngayon, makakita lang ako ng maraming taong bago sa panlasa ko…nanginginig ako bigla sa takot. Hindi makuhang tumawa sa araw-araw kong pagttrabaho sa opisina…puro overtime na lang ang nasa isip. Madalas na TULALA, saan ba talaga ako patungo…

  • PAMILYA
NAGBAGO lahat ng biglaan. Ibang-iba na mga eksena sa bahay...
Ang isa…ayun, unti-unting  namamatay habang ang isa e nakahanap na ng bagong pag-ibig sa piling ng isang mapanlinlang na kaibigan. MGA TAKSIL. Kasalanan na nga sa mata ng mga tao, kasalanan pa sa mata ng DIYOS. Change topic na, naiiyak ulit ako. HINDI ko pa rin kilala ang pakiramdam na ganito.

  • CHURCH
Isa akong presidente (ang bangong pakinggan no) DATI ng isang ministeryo. Maraming pumuna, maraming sumang-ayon ngunit marami din namang tumaliwas sa mga panahong nanungkulan ako. Marami epal, ayaw din magpatalo, gusto nila sila na lang magaling. Ang daming boses, halos nalito ako kung sino pakikinggan ko…akala ko ba si Lord lang boss ko? Eh ang dami pala. GUSTO NILA ang eksena, BINIGAY ko sa mga taong ayaw magpatalo ang entablado…iniwan ko sila, nag-resign ako ng palihim…sumulat ako sa pastor, ngunit walang reply. Ewan ko ba, gustong-gusto ko ang maglingkod sa Diyos pero GINAPOS nila ako.
After 2 months, I tried to face them…but I trembled w/ anger and fear…naalala ko bigla lahat ng mga ginawang paninira sa pagkatao ko na nagspread like a wild fire. Ang tanong, SINO BA ANG TOTOO?

  • PAG-IBIG
Hindi na MUNA ako naniniwala sa salitang yan, marami yang pina-iyak, sinaktan at PINATAY ng tahasan.

WALA akong balita, inalis ko lahat ng ‘pwedeng maging connection ko sa taong ‘yon. Dahil sa tuwing maaalala ko kung gaano kasakit ang magmahal ng totoo, ang mabalewala ng basta-basta lang, ang pagtawanan ng publiko dahil sa naging KATANGAHAN ko, ipinag-DARASAL ko (araw-araw) na HINDI KO NA SANA MAKITA ANG TAONG ‘YON.


*Mga sugat na hindi pa naghilom, Diyos ko, hanggang kailan? Alam kong mga pagsubok lang ‘to…PATULOY pa rin akong lumalaban kahit namamatay ako, wala naman akong ibang masasandalan kundi KAYO lang. Sa sobrang sakit ng mga nararamdaman ko ngayon, tanging sa pagsusulat ko na lang naibabahagi ang nasa puso ko…sana madescribe ko eksakto kung gaano ‘to KATAGOS sa buong pagka-tao ko. Langya, kung kelan naman tumatanda ako dun ako mas nagiging iyakin.HAYNAKU.

Biyernes, Abril 13, 2012

IRATE customer @ MCDO ABS

Crew 1: What’s your order ma’am?

Jops: (still looking at the menu, ayun coffee @ 60php) hmm..Isang Cappuccino =)

Crew 1: ??? Iced?

Jops: ah no.

Crew 1: ??? Yung may meal?

Jops : (Hala, we’re not on the same page) Ahm..pasenxa na ah if magulo aq…(still trying to understand the menu) bakit need ba ng meal? ‘Di ba ‘pwedeng single order  lang?

Crew 1: ay, pwede po. (sumenyas sa kasama..Seemed like asking for back up) Medium?

Jops: Yup.

Crew 2: Medium po or regular?

Jops: Regular nalang.

Crew 1: Php88 po.

Jops: ???ok. (misinformation ito, iba ang nasa menu..i rest my case na lang)

Joan: Jops, blablahblahblah.joke.joke.joke.

Jops: (‘di na tumatawa)

Crew  1: May 8 php po kayo?

Jops: Wala Eh.

Crew 1: (nag MAKE FACE)

Jops: (saw it sa peripheral vision..Temper started to rise)

Joan: blahblahblah.joke again.

Jops: (biglang serious mode) Wait Jo.

Joan: Uy, okay ka lang?

Jops: Naman, I can hold my temper, she seemed to be irritated w/ me & I AM SO IRRITATED WITH HER na rin.

Crew 2 : may 8php po kayo?

Jops: WALA! (taas kilay)

Crew 1 & 2: (stunned for a moment)

 Jops to joan with a LOUD VOICE: Obviously it’s a misinformation no…grabe (inhale…exhale) shocks, malapit na ko magalit. She’s supposed to be familiar with their product  blahblahblah.english dito english dun (BINAGSAK ang pouch sa counter) WHERE’S THE MANAGER??!!!

Joan: uy, relax ka lang Jops.

Crew 1: Ma’am eto po sukli. Kindly get your coffee sa Mc Café.

Jops with PRYING eyes to Joan: Blahblahblah!!!! Naging crew din ako pero ‘di ako ignorante tulad niya, TANGA niya! Grabe 88php to?!! SUBSTANDARD??!!! Naku pigilan ‘nyo ko kakausapin ko talaga yun and tell her “Miss, next time ‘pag nag make face ka ‘pwede wag mo ng pakita saken? Napaka- UNETHICAL kasi eh..ha?Tsaka dapat alam mo na ang customer di familiar sa product ‘nyo kaya it’s your RESPONSIBILITY na i-guide sila ha?”

Crew 3, 4 & Cesar :  (Gulat)

Jops: ‘DUN NGA TAYO SA TAAS KUMAIN!

***

I know I’m a HOT-TEMPERED gal’..kaya nga lumalayo kapag nagagalit eh, kulit ng mga tao. Then I PRAYED after that..kainis..I failed today, I lost my temper that easily. It’s not even worth the time, the energy & all. HAY.

Sabado, Marso 31, 2012

Separate REALiTY

She was beside my bed--at first. It's like every second has a different kind of scene frame  & to my surprise there she was, growling like a wild dog, pumping at my chest, trying to take the last oxygen I could inhale. She appeared to be a long haired midget, with dark image & red eyes... a DEATH ANGEL [for REAL].

DREAM-- it was just a dream & as I woke up gasping for breath, I squinted my eyes in the verge of darkness. Deep within me I knew it was real... I almost quivered inside by the thought of it.

It's 2:00 in the morning to be exact ( 1 hr to go & it would be the evil time, in contrast to 3 pm, when Jesus died). I searched for that creature, but she was no longer to be found. The tension wouldn't subside though, my eyes were wet from nightmare down to reality. So I turned the lights on, examined my body in front of the mirror, no sign of her but she did leave burden to my spirit.

Being drowned w/ worries & boggled by patches of my bedtime memories ( when I was awakened bec. my bed was literally shaking, when my left leg was hit but nobody's around, when the door had slightly opened for no apparent reason, heard heavy footsteps & many creepy experiences), I looked for HIM. And when I opened the bible, I was astounded by the scripture...it said "You are all children of GOD through faith in Christ Jesus" (Gal. 3:26 NLT). Well it was real CLOSE to what I was asking & shouting in my dream, while crying & battling with the death angel.

BIG REALIZATION snapped me then--GOD saved me bec. HE simply loves me, despite the fact that I intentionally didn't pray that night bec. I was having a cold heart towards Him & I even said  'my hopes have gone astray'. I WAS SO ASHAMED.

Note: Whoever gets to read this blog, please take time to read THE DIVINE REVELATION of HELL by Mary K. Baxter, it's a MUST READ, Hell is real.

Miyerkules, Pebrero 15, 2012

sweet dream


-- Ang PAGBABALIK sa pangalawang pagkakataon, sa loob ng ibang katauhan…pagkatapos ng anim na taon.

May pagsabog sa bukid na may halong disyerto. Parang komiks ang setting. Dalawang kapwa single ang nagkabungguan, syempre ako yung isa with a long hair wearing a short shorts (whoah! NO TO CENSORED po tayo). Well, yung isa naman kalbo… sobrang familiar ang voice, mukhang mas masigla at mas makulit, nakasakay din sa bicycle gaya ko…sabihin ko na ba? Hay…--si Bill.

“coming, summer, cool”—sigaw nya. Medyo Malabo e, ‘di ko na masyadong matandaan. Natameme ako, ramdam ko parin yung lakas ng tibok ng puso ko pero sabay ‘nun ang pagsiklab ng galit na matagal-tagal ding nakimkim… kaya paglingon niya, missing in action ulit ako.

Inabangan ‘nya DAW ako araw-araw sa lugar na ‘yun. Pero ‘di ko naman alam yun kasi nga diba ako si ms. Praning ever. Iniisip ko galit din ‘sya, gaganti ‘sya kasi natamaan PRIDE ‘nya, may balak na namang manakit. Pero buti nalang uso din sa panaginip ang mga SIDEKICK. Nalaman ko kay Dea na parati daw ‘nya akong tinatanong. Kesyo ano daw pangalan ko, ‘san ako nagttrabaho & so on. Sobrang GULAT ko…daw.

One time, nakasalubong ko ‘sya habang nagb-bike ako sa mala-probinsyang kanto, nagtago na naman ang lola mo. Pero halata daw ako, kaya habol naman ang eksena ng lolo mo. Ayun, naikot daw namin buong Brgy. Cutud. Hanggang sa napagod ako kakapedal, so I finally STOPPED.

He also stopped, while I was still STUNNED. He couldn’t recognize me anymore but he said he wanted us to be friends—so I said YES.

Itinabi ‘nya yung bike ‘nya sa isang tabi tapos kinuha bike ko, sabay sabing ‘tara’. Kahit alam kong medyo sweet na ang next scene eh grinab ko na ang opportunity, namiss ko yata talaga…siya. Don’t worry, SUPLADA parin ako kahit sa panaginip. Ayun, naka-angkas daw ako. Ehem, kinilig ka? Ako hindi…hindi halata =)

We drove through a mini-village, there his mom was standing in front of us. Tinarayan ako nung una, pero nung makitang masaya naman anak niya, super entertain na ang ginawa. At sabi pa ‘nya, base sa pagkaka-alala ko, 38 years old na si B…kailangan na daw mag-asawa. Whaat???!!?

…kesyo ‘wag ko na daw pahirapan pa, seryoso naman si B. Whoah! Ganun agad? Well I was a bit apprehensive kasi nga may nakaraan. I asked them If they know someone who looked a lot like this bald guy named B who actually made my heart BROKEN 6 yrs ago. They refused, said her son’s totally different…she had shown me some pictures for proofs.
à I don’t believe them, sabi kasi ng DREAM INSTINCT ko, nagka-amnesia lang si B. Haha. True love? Sasagot na sana ako…kaso NAGISING ako bigla..tsk..tsk.

Sa yamot ko, pinilit kong matulog ulit…nakabalik naman ako kaso si sidekick nalang nadatnan ko, nagsusulat ng k’wento. Komiks pala yung ginagawa ‘nya, at story pala namin ni B. yun. She got inspired daw by what happened. I asked her what was the ending—she said ‘wag kang mag-alala, nagkatuluyan naman kayo sa huli’.

I would just let a BIG SIGH for this. An illusion of a heart that has been DOOMED after it was taken for granted. Yep, I got a lil kilig as I woke up… but it made me feel so DEPRESSED. Coz’ in reality, I’VE GONE SO COLD. TRAUMATIZED. BITTER.

Lunes, Enero 30, 2012

Hulaan mo. ;)

Sino nga bang mas TAMA at BANAL?

Sa pagdaan ng mga araw, mas lalong dumarami ang mga tanong sa isip ko, sabay din sa pagdami ng mga nagsisilagasan kong buhok, at sa sobrang dami nila ay mas lalo akong naguguluhan sa takbo ng buhay ko. 

Walang humpay sa pagdami ng mga bulung bulungan...ang tanong , sino nga ba ang mas tama at banal?

Sino bang mas LEGAL? Yung bang anak ng mga espesyal na Kristyano na sa simula’t sapul eh nakatira na sa bahay ng Diyos? O yung anak ng mga ordinaryong tao sa labas na pilit inaaral at isinasabuhay ang mg autos ng Diyos?

Sino bang mas TAMA? Ang mga taong nagpapakatotoo o ang mga taong ikinukubli ang mga sarili para lang mag mukhang totoo sa mata ng publiko?

Ano bang mas MATIMBANG? Yung pusong mapagpasalamat o yung pusong mapagpagpatawad?Hmm.

Alin ba ang dapat ang SUNDIN? TRUE LOVE waits? Eh kung pano sa kahihintay mo e nilagpasan ka na pala ng dapat ay para sa'yo? Panu na yun?

...what if sundin mo yung kasabihan na “HABULIN MO HAPPINESS MO”? Teka, eh paano naman kaya kung sa kakahabol mo NAPAGOD ka, hindi niya alam na hinahabol mo siya kasi BULAG siya! At kahit kailan di ka na niya makikita pa.

At panghuli, sino ba ang dapat i-PLEASE? Ang mga taong nasa paligid mo o si Lord na tanging lumikha sa'yo? Kanino ka nga ba matatakot? Sa mga pwedeng maging bulung-bulungan nila o ang maaaring maging kaparusahan mula sa itaas?

Kung bibigyan mo nga naman ng pansin lahat ng kaganapan sa buhay mo, uulan talaga ng tanong sa isip mo. May chance na malito ka ng husto at mabaliw sa kakaisip kung sino ang dapat mong paniwalaan, ano ang dapat talagang sundin at ano ang mga susunod mong mga hakbang. Hirap magdecide no? dami kasi choices eh, nakakatakot pa na baka maling daan pa ang mapili mo at baka malaman mo na sa bandang huli na hindi pala will ni Lord yun kundi WILL MO! Pero kung risk taker ka talaga tulad ng iba, SALUDO ako sayo … maraminhg iba diyan, naduduwag paring alamin ang KATOTOHANAN sa kanila at gawin ang TOTOO sa puso nila.

Magkamali ka man, aayusin naman ni Lord yan.